History

HENERAL JUAN ARCE

 Dakilang Hangaway ng KKK at Himagsikan sa Capiz

ni: Vicente Villan 2000

 

Tubong Sigma, Capiz, si Juan Arce ang natatangi, masigasig, at maituturing na pinakamagiting na hangaway-banwa (mandirigma ng bayan) hindi lang ng kanyang kinalakhang lalawigan kundi pati na rin ng Kabisayaan at Pilipinas. Bagamat wala pang naisagawang malalimang pag-aaral patungkol sa kanya, ang mayamang tala kaugnay ng kanyang pagiging hangaway at pakikisangkot sa himagsikan ang nagpapakita sa napakalaking ambag niya sa Katipunan ay pagtatagumpay ng ribok o himagsikan sa Kabisayaan.

Matapos umanib sa KKK sa Kamaynilaan at pag-uwi nito sa kanyang banwang tinubuan, pinasimulan niya ang pangangampanya at pagmobilisa sa mamamayan ng hilagang Panay upang makisangkot rito ay maging bahagi sa makasaysayang pagpapalaya ng kabanwahanan sa Gitnang Pilipinas (1896-1898).

Kabilang sa kanyang isinagawang agresibo ngunit matalinong aksyon para sa paglulunsad nito ay ang kanyang pagtalaga ng mga ilihan o kuta sa Pagiliran (sakop ng Mangoso sa banwang Sigma) at Kapulugan (sakop ng Balisong sa banwang Pilar) pati na rin ang pag-uugnay at pakikiugnay sa ilihan ng Makawiwili (Macawili ngayon sa Cabugao sakop ng Altavas, Aklan), Iskierdo (sakop ng banwang Dumalag,-Capiz), at Candelaria (sakop ng banwang Tapaz, Caplz) na naging mahalagang depensiba at opensiba na rin para sa matagalan at malawakang panggugubat at pagkinagubot (pakikidigmang bayan) sa lalawigan ng Capiz.

Bilang malaking personahe ng himagsikan sa Panay, maiugnay sa kanya hindi lamang ang nararapat na ideya ng pagiging mobilisador at pundador o tagapagtatag ng mga kampo o muog kundi pati na rin ang pagtilingob (pagtitipon ng mga hukbo) ng mga hangaway-banwang naghuhukmong (nagkukuta) mula sa tatlong istratehikong lokasyon at ilihan ng kahilagaang Panay — baybayon (baybayin), patagnon (kapatagan), at iraynon (kabundukan). Ito ay upang ilunsad ang balos (paghihiganti) sa mga Espanyol sa naganap na pagkapaslang kina del Castillo ay labing siyam na Katipunero sa Aklan (Marso 1897).

Sa kanyang isinagawang pagtitingob (pagtitipon) ng mga hangaway-banwa mula sa tatlong heograpikal na suson – Makawiwili (nasa likuran ng Bay ng Batang o Tinagong Dagat) Candelaria (nasa likuran ng kapatagang Sigma, Dao at Mambusao), at ang itinayo niyang ilihan sa Kalupugan (sa Pilar at kagiliran nitong nakaharap sa Tinagong Dagat ng Capiz) ay naghahayag sa kanyang pagiging tunay na istratehista at pagiging henyo sa usaping pangmilitar sa kabuuan.

Sa pamamagitan ng suporta at pakikiisa ng mga kasimanwa (kababayan) niyang Kapisnong Pan-ayanon, Pilareños at taga-Pontevedra (mga baybayong banwa) na dumulog sa pamamagitan niya sa mga Katipunero at mga hangaway mula sa mga banwang patagnon (bayang nasa looban at kapatagan) at iraynon (kabundukan); ang isinagawang kapasyahan nito na magtililipon (pagtitipon mula sa pagpupulong) sa mga banwang Mambusao na makikita sa isinagawang gunita (memoirs) ng katipunero at tagapagtala nito si Raymundo Calmerin ng Sigma ay inilahad niyang:

Sang masayuran ini nga hitabu ni Juan Arce amo kag lumakat sila ni Saturnino Javillo nga ila ginlibud ang mga nag-ilimpun sa ila Katipunan nga nagtililipun sila sa sulud sang banwang Mambusao: ginpanguluhan ni Don Ramon Hontiveros, sa Sigma sang aktwal nga Kapitan Munisipal Don Tomas Javillo, sa Dao: si Kapitan Leon Bauson, sa Panit-an: si Eugenio Diestro, sa Cuartero: Mariano Frejules, sa Dumalag: si Kapitan Manuel Fermalino kag ang iya bata nga si Ezequiel Fermalino, nga sang nagtililiunsila nga manggugubot ila ginpamutangan sing bantay ang mga dalan gikan sa Kapis kag gikan sa banwang Dumarao…

[Nang malaman ni Juan Arce ang mga pangyayaring ito, siya ay lumisan kasama si Saturnino Javillo at kanilang pinuntahan ang mga nangagsisapi sa kanilang Katipunan na nagtitipon sa bayan ng Mambusao: pinangunahan ni Don Ramon Hontiveros, sa Sigma ng aktuwal na Kapitan Munisipal Don Toman Javillo, sa Dao: si Kapitan Leon Bauson, sa Panitan: si Eugenio Diestro, sa Cuartero: si Mariano Frejules, sa Dumalag: si Kapitan Manuel Fermalino at ang kanyang anak na si Ezequiel Fermalino na nang nagtitipon na ang mga mandirigma kanilang nilagyan ng mga bantay ang mga daan mula sa Kapis (Roxas ngayon) at mula sa bayan ng Dumarao…]

Gayundin, kung papaanong naisagawa ng dakilang bayani na magsipaghanda ang mga hangaway na manggugubot (hukbo/bayaning mandirigma) mula sa mga banwang baybayon, patagnon ay kairaynan ay matagumpay din nitong nahimok (sa pamamagitan ni Lusco) ang mga hangaway na Bukidnon (Sulod) na matutunghayan sa pahayag ni Calmerin. Ayon sa kanya:

Nag-abut man ang isa ka panung nga mga bukidnun nga sila isa ka gatus gikan sa kabukiran sa banwang Tapas kag Jamindan nga ginapanguluhan ni Papa nila Macario Lusco nga amu ang ila ginapaka Dios kay ini sia gin-agda man ni Juan Arce…

[Dumating din ang isang pulutong ng mga Bukidnon (Sulod) na bumubilang ng isang daan mula sa kabundukan ng bayang Tapaz at Jamindan na pinamumunuan ng kanilang Papa Macario Lusco na kanilang dini-diyos dahilan sa ito’y niyaya din ni Juan Arce…]

Sa pamamagitan ng pagsaalang-alang at isinagawang konsolidasyon nito kasama ng iba pang dakilang Kapisnong malapit sa kanya, ang papel ng heograpikal na dimensyon ng panggugubot (pakikidigmang bayan) ay ang mga nakahukmong (nagkukuta) rito sa pamamagitan nang pakikipagkaisa sa kanya – Saturnino Javillo, Ramon Hontiveros (patagnong banwa), Macario Lusco, Hilario Oro (iraynong banwa), Esteban Contreras, at Pascual Barsa (baybayong banwa) ay matagumpay na nakapagmobilisa ito ng maraming hangaway na manggugubot (mandirigma).

Sa isinagawang pagmamasid ng mga Espanyol sa kalakarang ito ng paghuhukbo, ang mga planong paglulunsad gubat na ito noong buwan ng Abril 1898 sa banwang Pan-ay, Capiz ay kinasangkutan ng maraming magigiting na Kapisnon. Ayon sa mga ulat opisyal ng mga awtoridad, “ang paghihimagsik sa Capiz ay pangmalawakan, noong buwan ng Abril 1898, umaabot sa 15,000 mandirigma ang nakahimpil.”

Ang malawakang paghuhukbong bayang ito na napakalakas sa lalawigan ng Capiz, ay nagbunga ng opensibang aksyon. Sa napagpasyahang pagkubkob sa Pan-ay (bayang nasa bukana ng Lungsod Roxas) noong ika-15 ng Abril 1898 (hindi totoo na Mayo 3/4, 1897 naganap ang sagupaan), ang pagpupuwesto sa Lahab (sa likuran ng banwang Pan-ay; bahaging timog) ng “mga kuha ka libu ka manggugubot nga ginapanguluhan ni Koronel Pascual Barsa…” (mga dalawang libong mandirigma na pinamumunuan ni Koronel Pascual Barsa) at Tanza Norte (hilagaan ng banwang Pan-ay) ay kasusumpungan din ng di-matukoy na bilang ng mga manggugubot.

Bilang madalas pinagpupulungan at pinaghuhukmungang puok o minuro ng naturang bayan ng mga hangaway, ang pagma-manman at pagtalaga ng puwersa rito sa panig ng mga Espanyol ay isang pangunahing gampanin para sa autoridad.

Sa pamamagitan ng mga tiktik ng kaaway at mga taksil, agarang natuklasan ang nagpapasimulang kumukubkob na mga manggugubot dahilan sa pagsuplong nina Antero Bediones ay kura paroko ng Dumarao na “ginpaluthan” (pinababaril) ni Juan Arce sa kagubatan ng timugang Capiz.

Bangod (dahilan) sa dalawang ito, nalaginlin ang pagsalakay sa Pan-ay na malamang inuumang sana pagkatapos sa Capiz, ang kapital ng lalawigan. Ayon sa isinagawang pagmamasid ni Calmerin, sinabi niyang nakapaghanda kaagad ang mga kaaway sa pamamagitan nang paghati ng kanilang puwersa upang ikontra-salikop ang tila baklad at mapagsusupot na pagsugod sa Pan-ay at kabisera ng lalawigan.

Ayon sa kanya: Ang mga soldadong Katsila ila ginduha ka bahin, ang isa kabahin sa dalan mag-agi kag ang isa ka bahin ila ginpasakay sa duha ka kilikili nga ang mga soldado dili makita…

[Ang mga suldadong Espanyol ay kanilang hinati sa dalawang bahagi; ang isang bahagi ay magdaraan sa daan at ang isang bahagi naman ay pinasakay sa dalawang bangkang kilikili na may mga sundalong nakakubli…]

Bunga nito, ang pinuhunanan ni Arce ng kanyang buhay at lakas pati na rin ang talino para sa istratehiyang militar ay paglagak ng may dalawang libong manggugubot na pinamumunuan nina Pascual Barsa kasama ng kanyang mga hepe at opisyal na sina Nicomides Bernales, Santiago Bellosillo, Julian Blanco at iba pa ay nasorpresa dahilan sa isinagawang kontra-atake ng mga Espanyol sa mga ito. Alinsunod sa ulat:

Anay sang pagtakas na sang mga soldado sang ika-10:00 ang takna sang ika-15 sang bulan sa Abril sang tuig 1898 amu kag ginpaarakan sila sing bala nga nagaraginging lamang.

[Nang pag-ahon ng mga sundalo (Espanyol) sa ganap na ika-10:00 ng ika-15 ng buwan ng Abril doon at sila’y pinaulanan ng dumadagundong ng mga bala.]

Upang maiwasan at solusyunan ang ganitong unos ng kontra-opensiba, ang kanilang pagkabigla ay sinundan ng instrinktibong aksyon sa pamamagitan ng pagkubli o pagpapatirapa sa mga pilapil. Ayon pa kay Calmerin:

Ang mga manggugubot nag-alaplaag sa kauyuparan nga naghalalapa sa pilapil sa pagpasalipud agud dili sila pag-iguon sang mga bala sang mga pusil, apang ang mga pilapil kun iguun gani sang bala sang kanyun nagakalalukba lamang. Si Koronel Pascual Barsa kay may ginauyatan nga eskopeta kag sang iban niya nga opisyal amu ang nag-alaw-aw sa ila sing pila ka lupuk…

[Ang mga mandirigma ay nangagsikalat sa palayan kung saan sila nangagpatirapa sa pinagkukubliang pilapil upang sila ay hindi matamaan ng bala ng baril; ngunit kung tamaan ng kanyon ang mga pilapil ay nawawasak, si Koronel Pascual Barsa na may pinanghahawakang eskopeta at iba pang opisyal ay nagpakawala sa kanila ng mangilan-ngilang ganting putok.]

Samantala, ang sagupaang ito na nagbuwis ng 150 patay na mangugubot at 35 naman sa panig ng mga Espanyol ay pinatindi pa sa naganap na labanan sa baranggay Lahab. Mula sa mga nagsidaan sa dalan (daan) sa bahaging timugan patungo sa naturang puok, ang sagupaang tumagal ng 6 na oras nang walang patlang na pagpapalitan ng putok ng mga baril at kanyon ang nagtulak sa mga hangaway na Kapisnong magsilikas patungong banwang Loctugan (bahagi ng Lungsod Roxas ngayon).

Bagamat mas kakaunti lamang ang nangamatay (50), at ilan pang sugatang Pilipino ang naduhagi sa bahaging ito ng Pan-ay, ang pagtutupok naman ng apoy sa bahaging ito ng banwa ang nagpalala at tuluyang nagtaboy sa mga manggugubot papalayo sa naturang bayan.

Dahil dito, ang kapasyahan ng magiting na Juan Arce na magtatag ng ilihan sa Kalupugan, Balisong, ang kanyang pinagtuunan ng matamang pansin at pagod. Matapos naganap ang naturang madugo at masilakbong labanan sa Lahab at Tanza Norte, ang agarang pagtungo sa Ilihan Makawiwili upang pagpasyahan ng mga nagsiatrasang Katipunero roon ang nararapat at positibong aksyon ay makikita sa isinagawang paglalahad ni Calmerin. Sinabi niya:

…lumakat gilayun si Juan Arce pakadtu sa bukid sang Makawiwili nga puluy-an ni Rafael Maraingan nga sang ila pagkitaay nagsugid si Arce sang tanan nga nagkahanabu, kag bangud sini nga gin-agihan ginpasakaan ang iya gahum sa pagka-heneral de Brigada. Sang pila ka adlaw sina nag-abot man ang mga Pan-ayanun sa pagpakigkita kay Rafael Maraingan, nagsakay ini sila sa isa kaparaw ng amu si Esteban Contreras, Koronel Pascual Barsa kag iban pa nga opisyal nga ila kaupud kag nanugirun sila sang nagkahanabu. Kag sang ulihi naghinun-anun sila nga magabutang sila sing ilihan… ila ginpakamaayu nga didtu sa likud sang Kalupugan, Balisung, sakup sang banwang Pilar, Kapis…

[At kaagad umalis si Juan Arce patungong Bundok Makawiwili na tirahan ni Rafael Maraingan na kanyang pinagsalaysayan ng buong pangyayari; at dahilan sa karanasang ito, itinaas ang kanyang gahum sa pagka heneral de Brigada. Pagkalipas ng ilang araw nagsidatingan din ang mga taga Pan-ay upang makipagkita kay Rafael Maraingan; sakay ng bangkang paraw, ang mga ito ay sina Esteban Contreras, Koronel Pascual Barsa at iba pang kasamahang opisyal, at kanilang isinilaysay ang mga pangyayari. At pagkaraka kanilang nagpasyahang maglagay ng ilihan… kanilang minabuti na itayo roon sa likurang bahagi ng Kalupugan, Balisong, nasasakupang banwa ng Pilar, Kapis…)

Mula rito, tulad nang pagkatatag ng mga ilihang Makawiwili at Candelaria, ang pinalisasyon para sa konstruksyon ng ilihan sa Kalupugan, Balisong at pagku-kumpleto ng malatriangulong depensa at tila baklad na opensiba na pinanguluhan ni Arce at pakikipagtulungan rito nina Hen. Contreras at Kol. Pascual Barsa at iba pa ay naisalarawan sa patuloy na paglahad ni Calmerin:

Kag sang ila mausisa ang amu nga bukid kag amu ang ila ginpakamaayo sa gilayun nagpabuhat sila sing kamalig didtu sa alipuk-pukan kag nagbutang sing palalipdan (trinsera).

[At nang kanilang masiyasat ang naturang bundok at kaagad kanilang minabuti na doon magpagawa ng kubo sa ituktok at naglagay ng mapagkakanlungan (trinsera)]

Magkagayunman, dulot ng malawakang paniniktik, ang pinangangambahang pagkubkob rito tulad ng nasa Pan-ay ay naisagawa nang ito ay salakayin ng mga Espanyol noong ika-14 ng Hunyo 1898 (tinatanggap ng marami na naganap noong ika-7 ng Hunyo sa pagkaparehong taon). Sa pamumuno ng gobernador ng lalawigang si Don Jose Herrero, kasama ang may apat na raang sundalo ay kanilang pinasimulan ang pag-atake sa naturang ilihan. Ayon sa pagmamasid ni Calmerin:

…sa may ika-10:00 ang takna sa aga yara na ila ginalantaw ang mga soldadong Kastila nga nagakatay sa plasa sang banwang Pilar nga may apat sila ka gatus sugid sang ila tiktik. Kag nagakatay na sa dalan nga nagapadulong sa ilihan…

[…nang humigit-kumulang ika-10:00 ng umaga, kanila nang natatanaw ang mga nangagsikalat na mga sundalong Espanyol sa plasa ng banwang Pilar na umaabot sa apat na raang bilang sabi ng kanilang tiktik. At sila’y nangagsikalat sa daan patungo sa direksyon ng kanilang ilihan…]

Ang nakaposisyong mga hangaway na may nakawagayway na hayahay o bandilang Katipunan sa itaas ng bundok ay sinasabayan ng tugtog o musikang nilikha ng mga Katipunero ng Pilar at ang isinagawang martsa ng mga Espanyol para sa pagkubkob ay naghudyat ng simula ng sagupaan sa magkabilang panig. Sa isinagawang labanan at paggunita ni Calmerin, inilahad niya ang kabuuang pangyayari:

Kag nagapatakas na sa ilihan, amu kag kanyonun sila nga nagakalahapay ang mga soldado kun iguun sang mga tinipik nga lipya kag sudsud sang arado. Si Juan Arce bumatu gid sing patay-patay sanglit kay may mga pusil man sia nga ginauyatan. Ang Kapitan sang Inpanteriya nagasinggit sing “venga fuerza” kay nagakahapay na ang iya mga soldado. Si Koronel Pascual gumuwa sa ila palalipdan kag nagliklik siya sa katalunan nga gintuparan ang mga soldado kag didtu sia magbuhi sang iya Remington nga ginadungan niya sa lupuk sang mga soldadong Kastila gani madamu ang iya naigu sang nagakahilapit na ang mga casadores amu ang ila buhian ang ila paligid….

[…at nang pumapanik na sa ilihan, saka sila kinanyon at nangagsitumbahan ang mga sundalo kapag tinamaan ng tinipik (part of a whole) na lipya (mould-board o iron plate/sheet ng ploughshare) at sudsod (scraper) ng araro. Si Juan Arce ay ubos-lakas sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng kanyang hinahawakang baril. Ang kapitan ng Impanteriya ay sumigaw ng “venga fuerza” sapagkat ang kanyang mga sundalo ay nangangalagas na. Lumabas si Koronel Pascual sa kanyang pinagkakanlungan at lumikas pakagubatan palapit sa mga sundalo at doon nagpakawala siya ng putok ng kanyang Remington sa mga sundalong Espanyol; kaya’t siya’y maraming natamaan; nang nagsilapitan na ang mga casadores saka nila pinakawalan ang pampagulong na torso…]

Sa inilahad na senaryo ng naganap na pagkinagubot, ang walang humpay na pagpapalitan ng putok kasabay ng mga tugtog, pagsabog ng mga kanyon at pagpapagulong ng mga torso pati na rin ang paghagis ng mga bato sa kaaway mula sa itaas ng ilihan ni Arce ay nagpapakita ng pagtatagumpay ng mga hangaway na Kapisnon. Bagamat namatayan ng isa, ang aksidenteng pagkatama sa kanya ng ligaw na bala ang siyang bumawi ng kanyang buhay kapalit nang pagkamatay ng 70 bilang ng mga kaaway at iba pang sugatan – ang nagpasinaya sa sunod-sunod na pagtagumpay ng Katipunan sa lalawigan para sa Inang Bayan. Nagbukas ng daan ang ganitong tagumpay ng mga Kapisnon upang sundan at makisangkot ang mga taga-Timog Panay pagsapit ng Oktubre 1898 sa tanyag na pagbaliktaran, kung hindi man, pamumulitika ng mga Ilustrado ng Iloilo (mula voluntario tungong revolucionario) laban sa matagumpay na pakikidigma ng mga hangaway ng bayan sa kahilagaang Panay.*

   _____________________

*Kinikilala ng may-akda ang ambag ng “gunita” ni Raymundo Calmerin na nagbigay linaw sa kaganap ng himagsikan sa Capiz. Makikita ito sa: Makinaugalingon (1933).

 

___________________________________________________________________________________________

 

The Spanish occupation of Capiz

By Henry F. Funtecha

Not long after the arrival of the Spanish expedition led by Miguel Lopez de Legazpi in the Philippines in 1565, the colonizers moved to Panay. This was in 1569 when they were compelled to vacate Cebu for lack of food supplies and also because of the Portuguese threat. Thereupon, they established the first Spanish settlement, in the town of Pan-ay in the present Province of Capiz. This second settlement in the country became the radiating center of further exploration and proselytization of the northern part of Panay. The parish of Pan-ay included the adjacent towns of Pilar, Dao, Ivisan and Pontevedra in Capiz, and Carles in Iloilo (Claparols 1967).

The Spanish colonizers, with Pan-ay as their base of operation, pushed further into some unexplored portions of the Capiz area which, at that time, included some sections of present-day Aklan. The colonizers established settlements in Dumalag, Dumarao, Batan, Ibajay, Kalibo and other places (Blair & Robertson 1903-1909). Kalibo (the present capital of the Province of Aklan) was founded by Fr. Andres de Aguirre, an Augustinian missionary and a companion of Legaspi. The capital of the Spanish administration was eventually moved to the town of Capiz (now Roxas City).

From the very start of the Spanish occupation of Capiz, there was already opposition from inhabitants. The leaders of the resistance movements were mostly babaylans who tried very hard to win back the natives to their indigenous beliefs and who made the Suhot Caves as their headquarters and meeting place. Significantly, the Negritos joined those led by the babaylans in opposing Christianity and the impositions of the Spaniards.

Another headache of the Spaniards in the Philippines at that time was the threat of the Moros from the south. In 1659, for example, when Legaspi was in the town of Pan-ay, the natives, especially from Kalibo and Ibajay, sought his aid against the Moro warriors who frequently devastated settlements in Capiz and the Aklan section. Legaspi sent the youthful Juan Salcedo to their aid, and his force consisting of Spanish soldiers and about 500 native warriors defeated the Moros and pursued the enemies who fled to Mindoro and Batangas (Regalado & Franco 1973).

Among the known uprisings to Spanish rule in Capiz was the Dumalag Rebellion. One time, a very strict Spanish government official by the name of Duran was put in charge of the town. He abused his position and committed a lot of grave abuses. Finding out that no form of protest could make Duran stop his misdeeds, the people rose up in arms against him, threatening to burn his house and to kill him. Fortunately for Duran, the local parish priest intervened and appealed to the enraged inhabitants and, in the end, the latter were pacified. (Regalado & Franco 1973).

As one can see in the above accounts, Capiz was considered by the Spaniards as an important and strategic point in their political and religious ambitions in the archipelago. This was the reason why, early in time, they already established a political base in the area from where they penetrated the interior sections and, moreover, laid the foundation of the Catholic religion, through the Augustinian missionaries, in the province as early as 1569.

(from the News Today, August 24, 2007, Iloilo City)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: